AQUINO, ROXAS MULING NANGUNA SA SURVEY
Muling pinatunayan ng tambalang Noynoy Aquino at Mar Roxas ng Liberal Party na sila ang nangunguna sa nalalapit na eleksyon sa Mayo 10 matapos na manguna sila ng milya-milya sa kanilang mga katunggali sa isang survey na ginawa a ikatlong distrito ng Davao City mula Pebrero 27-28, 2010.
Base sa ginawang pagtatanong sa mahigit isang libong respondents mula sa ikatlong distrito ng Davao City, pinili si Aquino ng 43.98% ng mga botante samantalang halos kalahati lang nito ang pumili naman sa pumangalawang si dating Pangulong Joseph Estrada na pinili ng 25.29% ng mga botante.
Pumangatlo lang si NP presidential bet Manuel Villar na pinili ng 19.09% ng mga botante at napakalayong pang-apat naman si dating Defense Secretary Gilbert Teodoro na pinili lang ng 5.64% ng mga botante.
Sa vice presidential race, milya-milya din ang agwat ni Senador Mar Roxas na pinili ng 52.50% ng mga botante at malayong pangalawa naman si Senador Loren Legarda na pinili lang ng 21.45% at pangatlo naman si Makati Mayor Jejomar Binay na nakakuha lamang ng 18.29%.
Ayon sa nasabing survey, kaya nangunguna ng todo ang tambalan ni Aquino at Roxas sa mga botante ay dahil sa kanilang paniniwala sa kakayahan ng dalawang kandidato ng Partido Liberal na pamunuan ang bansa at magpatupad ng tunay na reporma para sa kapakanan ng mga maralita.
03-04-2010
|